Nanawagan ang Senado ng agarang pagsuspendi at pagbawi sa pagbabawal sa solo driver sa kahabaan ng EDSA tuwing rush hour.
Sa isinumiteng Senate Resolution 845 nina Senate President Vicente Sotto III, Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Majority Leader Migz Zubiri at Minority Leader Franklin Drilon, kanilang mariing hinimok ang Metro Manila Council na bawiin ang MMDA regulation sa HOV o high occupancy vehicle scheme sa EDSA.
Itinaon naman ng liderato ng Senado ang paghahain ng resolusyon sa pagsisimula ng dry run ng MMDA para sa HOV scheme.
Samantala, tiwala naman si Sotto na susuportahan ng lahat ng senador ang kanilang inihaing resolusyon.
“I am sure that the entire senate will be supporting the resolution. Ang tingin namin yun ay isa sa mga hindi magandang idea para ma-resolba ang traffic,” Pahayag ni Sotto.
(Ulat ni Cely O. Bueno)