Welcome sa Philippine National Police o PNP ang inilabas na resolusyon ng Commission on Human Rights o CHR na kumukondena sa ginawang pagpatay ng CPP-NPA sa football player na si Keith Abaslon at pinsan nitong si Nolven sa Masbate nuong Hunyo.
Ito’y makaraang ihayag ng CHR Region 5 na nilabag ng CPP-NPA ang karapatang pantao dahil sa walang pakundangang paglalatag ng improvised explosive device na nagresulta sa pagkasawi ng magpinsan.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, isa aniyang napakahalagang hakbang ang ginawang ito ng CHR para mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng magpinsan.
Magkatuwang aniya ang PNP at CHR sa pagkondena sa ganitong uri ng hindi makataong gawain ng mga komunsita na ang tanging layunin lamang ay maghasik ng gulo at takot sa mamamayan.
Pagtitiyak pa ni Eleazar, patuloy ang kanilang gagawing paghihigpit ng seguridad upang mapigilan ang panibagong pag-atake ng mga rebelde na ipinagbubuwis ng buhay ng mga inosenteng sibilyan.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)