Nakatakda nang ilabas ng Department of Justice o DOJ ang kanilang resolusyon kaugnay sa Mamasapano massacre ngayong linggong ito.
Ayon kay Prosecutor General Claro arellano, tinatapos pa nilang i-review ang findings ng investigating panel sa pamumuno ni Asst. State Prosecutor Alex Suarez bago ilabas ang resolusyon.
Unang inihayag ni acting Justice Secretary Emmanuel Caparas na kanilang isasapubliko ang rekomendasyon ng National Bureau of Investigation o NBI na sampahan ng kaso ang mga miyembro ng MILF at BIFF gayundin ang private armed groups.
Gayunman, saklaw lamang ng nasabing kaso ang pagpatay sa 35 mula sa 44 na miyembro ng PNP Special Action Force o SAF na siyang lumapit sa bahay ng international terrorist na si Marwan.
By Jaymark Dagala