Inaasahang ilalabas ngayon ng DOJ o Department of Justice ang resolusyon sa ‘Inciting to sedition case’ na isinampa ng National Bureau of Investigation laban kay Rodel Jayme, ang may ari ng website kung saan inapload ang Bikoy videos.
Ayon kay NBI Cybercrime Division Head Agent Victor Lorenzo, patuloy rin ang kanilang forensic examination sa mga computers na nakuha nila kay Jayme.
Duda si Lorenzo sa pahayag ni Jayme na wala siyang kontrol sa Metro Balita website dahil binayaran lamang siya upang gawin ito.
Sinabi ni Lorenzo na batay sa kanilang imbestigasyon, binayaran si Jayme para gawin ang website noong March 26 at isinara noong April 2.