Lalong palalakasin ng Philippine National Police (PNP) ang pagtataguyod sa “rule of law” at ang mahigpit na pagsunod sa kanilang operational procedure at rules of engagement.
Ito ang pagtitiyak ng PNP kasunod ng inilabas na resolusyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na huwag nang imbestigahan ang Pilipinas dahil umano sa mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa sa ilalim ng war on drugs.
Ayon kay PNP Spokesman P/Col. Ysmael Yu, ito aniya’y itinuturing nilang pagkilala ng UNHRC sa mga inisyatibo ng Pilipinas na tugunan ang mga alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao sa bansa.
Gayunman, sinabi ni Yu na hindi pa ito dahilan para magdiwang ang PNP at sa halip ay dapat magsilbi pa rin itong aral na kailangang gawin at isabuhay ng mga pulis.
Batay sa resolution # 45 ng UNHRC, sa halip na imbestigasyon ay supporta para sa pagtupad sa human rights commitments ng Pilipinas ang kanilang binigay.