Isang resolusyon ang inihain sa Kamara para imbestigahan ang paggamit ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa kanilang confidential funds.
Ang house resolution 702 ay inakda ng mga miyembro ng minority bloc sa pangunguna ni Minority Leader Benny Abante at ng Makabayan bloc.
Nais busisiin ng minorya ang ibinunyag ni resigned DICT Usec. Eliseo Rio na ginagamit sa paniniktik ang confidential fund ng ahensya.
Matatandaan na sinabi ni Rio na ang trabaho ng DICT ay protektahan ang bansa laban sa cyber-attacks at hindi ang magsagawa ng surveillance.