Ikinakasa na sa Senado ang imbestigasyon sa ‘di umano’y napakataas na singil ng pasahe sa Grab at kabi-kabilang kanselasyon ng biyahe.
Ang resolusyon na imbestigahan ang Grab ay inihain ni Senador Imee Marcos.
Kumbinsido si Marcos na mayroong pagsasamantala sa panig ng Grab dahil nangyari ito sa panahon ng kapaskuhan kun saan mataas ang pangangailangan sa transportasyon.
Ang resolusyon ni Marcos ay inihain kasunod ng pagpataw ng Philippine Competition Commission (PCC) ng mahigit sa 16-M na multa sa Grab.