Makabubuti raw na hintayin muna ang kanyang isusumiteng resolusyon na magsusulong ng Senate investigation sa alegasyon ng Amnesty International para makita ang lalamanin nito.
Tugon ito ni Senador Chiz Escudero sa tila hindi pagsang-ayon ng ilang Senador na imbestigahan ang report ng Amnesty International dahil haka-haka lang, anila, ang nilalaman nito.
Maliban na lang, anila, kung makapagpapakita ng pruweba ang mga Amnesty International.
Giit ni Escudero, pinakamaganda pa rin na venue ang imbestigasyon ng Senado para makapaglabas ng ebidensya ang naturang International Human Rights Group at para masagot din ng PNP ang alegasyon laban sa kanila na sinasabing binabayaran ang mga pulis at ilang mga assassin sa bawat napapatay na mga drug suspect.
By: Avee Devierte / Cely Bueno