Lusot na sa Komite sa Kamara ang resolusyong nagsasama sa ‘Psoriasis’ sa listahan ng mga sakit na tutulungan ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH).
Layon ng House Resolution 1818, na iniakda ni Masbate Representative Scott Davis Lanete, na gawing available ang treatment sa Psoriasis para sa pag-asang bumaba ang bilang ng mga kaso nito sa buong bansa.
Nabatid na sa kasalukuyan ay “Psoriatic Arthritis” lamang at hindi “Psoriasis” ang covered ng PHILHEALTH.
Nakasaad pa sa resolusyon na ang “Psoriasis” ang isa sa pinakamahirap na matanggal na ‘skin diseases’ sa bansa at karamihan sa mga nagkakaroon nito ay mula sa mga mahihirap na sektor.