Inihayag ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na aprubado na ng IATF ang Retro-Active Application of Testing and Quarantine Protocols Resolution 157 para sa mga international travelers.
Ayon kay Nograles, ang IATF Resolution 157-E ay para sa green at yellow list countries, kung saan epektibo ito sa mga manlalakbay na dumating sa Pilipinas bago ang Enero a-13 taong kasalukuyan.
Sa ngayon, tanging mga balik bayang pinoy, at mga may long term visa ang pinapayagang makapasok habang ang mga may hawak na tourist visa ay hindi pa rin papayagang makapasok sa bansa. —sa panulat ni Kim Gomez