Ini-adopt na ng Kamara ang resolusyon para sa pagko-convene ng isang Constituent Assembly upang amyendahan ang 1987 Constitution.
Ito’y sa gitna ng pagtutol ng mga miyembro ng Makabayan Bloc, ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio at Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao.
Una ng tinutulan ng mga nabanggit na Kongresista na tapusin ang lahat ng interpellation sa proposal pero kinontra ito ni Senior Deputy Majority Leader Rimpy Bondoc sa kadahilanang walang masyadong speakers sa ilalim ng house rules kaya’t maaaring i-terminate ang mga debates anumang oras.
Kahapon sinimulan ng House Committee on Constitutional Amendments ang pagdinig sa mga proposal para sa pagpapalit ng sistema ng gobyerno patungo sa Federalismo.
Kabilang ang nasabing hakbang sa mga ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 Presidential campaign.