Iniimbestigahan na ng palasyo ang mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) matapos maglabas ng hindi otorisadong resolusyon para sa importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, walang pahintulot ni Pangulong Bongbong Marcos, na tumatayong agriculture secretary at chairman ng Sugar Regulatory Board ang nilagdaang resolusyon ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian.
Sensitibo anyang bagay ang importasyon lalo na ang mga agri-product kaya kailangan itong balansehin.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy kung may gumawa ng sariling aksyon habang nakabatay sa pagsisiyasat kung ilang opisyal ang masisibak sa pwesto.