Natanggap na ng Malakanyang ang resolusyong inihanda ng senado hinggil sa isinusulong na suspensiyon sa operasyon ng E-Sabong sa bansa.
Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, Chairman ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs na natanggap na ito ng palasyo dakong alas-4 ng hapon, kahapon.
Pero paliwanag ni Dela Rosa, wala pang inisyal na tugon dito ang pangulo.
Sa ngayon batay sa pinakahuling ulat ng Komite, wala pang natutuklasang impormasyon ang mgsa otoridad kung nasaan ang mga nawawala sa sabungero. —sa panulat ni Abby Malanday