Isinusulong ng siyam na senador sa pangunguna ni Senate Minority Floorleader Franklin Drilon ang resolusyon para kundenahin ng buong senado ang anito’y ilegal na pag-okupa ng China sa bahagi ng West Philippine Sea na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ayon kay Drilon kasama niya sa pagsusulong ng resolusyon ang mga kapwa Senador Kiko Pangilinan, Leila De Lima, Risa Hontiveros, Ralph Recto, Grace Poe, Richard Gordon, Nancy Binay at Joel Villanueva.
Tiwala si Drilon na ang pagkundena ng senado sa mga ilegal na aktibidad ng China sa WPS ay makakahikayat sa mas marami para magsalita sa nasabing usapin.
Nakasaad din sa resolusyon ang pagsuporta ng senado kay foreign affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. sa paghahain ng mga diplomatic protest laban sa China.