Dapat maglabas ng nagkakaisang statement ang mga lalawigan sa Mindanao laban sa sunod-sunod na pambobomba sa mga transmission towers ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines.
Nakapaloob ito sa resolusyon na ipinasa ng Misamis Oriental Provincial Board.
Inalarma rin sa resolusyon ang Commission on Elections (COMELEC) na tutukan at tiyaking may sapat na kuryente sa Mindanao sa panahon ng eleksyon.
Pinuna ng board members na iisang transmission line na lamang ang gumagana sa Northern Mindanao at nagdadala ng kuryente mula sa Agus Pulangui Hydropower Complex.
Bago mag-Pasko ay pinasabog ng mga masasamang elemento ang Tower 25 ng NGCP sa Lanao del Sur na naging dahilan para hindi maitawid sa kabahayan ang kuryente mula sa plantang Agus 1 at Agus 2.
Ito na ang ika-15 tore ng NGCP na binomba sa Mindanao.
By Len Aguirre