Naghain ng resolusyon ang mga Makabayan Bloc sa mababang kapulungan para harangin ang nakatakdang paghihimlay sa yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani
Batay sa House Resolution Number 197, sinasabi ng mga mambabatas na hindi dapat ilibing sa naturang himlayan ang isang taong naglimas hindi lamang sa pera ng bayan kundi maging sa buhay ng napakaraming Pilipino
Nagama’t suportado nila ang hakbang ng Pangulong Rodrigo Duterte na isulong ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng komunistang grupo, hindi nama anila makatuwiran na maisabay pa ang usapin ng yumaong diktador
Nagbibigay din anila ng maling mensahe ang naging pasya ng Pangulo dahil nangangahulugan lamang ito ng pagbabalewala sa mga sakripisyo ng mga nag-alay ng buhay para makamit ang kalayaan mula sa mandarambong
By: Jaymark Dagala/ (Reporter No. 7 )Jill Resontoc