Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang resolusyong mag-e-exempt sa fuel subsidy program mula sa election spending ban.
Ito’y upang hindi maantala ang pamamahagi ng ayuda sa mga tsuper at operator ng jeep na apektado ng walang-puknat na Oil price hike at COVID-19 pandemic.
Sa resolusyong nilagdaan ng Comelec En Banc, saklaw nito ang mga Public Utility Vehicle Service Contracting Program at Public Utility Vehicle Modernization Program.
Inatasan naman ng Comelec ang DoTR, LTFRB, DOLE at iba pang ahensiyana magpasa ng plano kung paano ipatatupad ang programa lalo na ang pagtukoy sa mga benepisyaryo.
Tatagal ang election spending ban hanggang Mayo a-8 bago ang halalan sa a-9.