Tiwala si Senador Panfilo Lacson na makakukuha siya ng sapat na suporta mula sa kaniyang mga kasamahan hinggil sa ihahain niyang resolusyon sa darating na Lunes.
Ito’y kaugnay sa planong pagco-convine ng Senado bilang hiwalay na Constituent Assembly kung saan, ihahalintulad sa ordinaryong batas ang pagbalangkas sa bagong saligang batas.
Sa panayam ng programang Sapol ni Jarius Bondoc, sinabi ni Lacson na layon nitong mabusisi ang mga probisyon sa saligang batas na dapat amiyendahan nang hindi mababalewala ang Senado.
Makabubuti aniyang hiwalay na talakayin ng dalawang kapulungan ang pag-amiyenda sa saligang batas at sa huli ay idaraan ito sa bicameral conference committee.