Pormal nang naihain sa Senado ang resolusyong sususpinde sa operasyon ng e-sabong sa bansa.
Ito ay ang Senate Resolution 996 ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.
Nasa 22 senador ang lumagda na hihikayat sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na suspendihin ang operasyon ng e-sabong hangga’t hindi nareresolba ang kaso ng pagkawala ng mga sabungero.
Unang nakausap ni Dela Rosa si Pangulong Rodrigo Duterte na agad sumuporta sa suspensyon ng e-sabong.
Sinabi ng PAGCOR na kailangang aprubahan muna ng punong ehekutibo ang pagsuspinde sa lisensya ng mga e-sabong operator bago nila ito maipatupad.
Sa Biyernes, Marso 4, muling itutuloy ng komite ang pagdinig kung saan inaasahang dadalo ang ilan sa mga e-sabong operator at testigo sa mga pagdukot sa mga sabungero. – sa panulat ni Abigail Malanday