Kasalukuyang inoobserbahan pa sa pagamutan ang 2 menor de edad matapos silang mabiktima ng pamamaril sa isang resort sa Brgy. Canvañes, Butuan, Masbate.
Batay sa ulat ni Butuan Police Chier P/Lt. Nestor Nasayao sa Masbate PPO na nakarating sa Kampo Crame, nangyari ang insidente dakong mag aalas otso kagabi.
Nabatid na 4 na armadong salarin na sakay ng 2 motorsiklo ang pumalibot sa nasabing resort na pagmamay-ari ni PCSO Dir. Sandra Cam at agad nagpaulan ng bala.
Tinamaan sa 2 paa ang 14 anyos na dalagita habang sa tiyan naman tinamaan ang 9 anyos na binatilyo na anak ng isa sa mga caretaker ng nasabing resort habang nagsasagawa lamang ng gift giving sa lugar.
Mariin naman itong kinondena ni Dir. Cam at tahasan nitong inakusahan si Butuan Mayor Charmax Yuson na siyang posibleng nasa likod ng insidente.
Si Yuson ang nakalaban ng anak ni Cam sa pagiging alkalde ng Bayan nuong 2019 Elections na bagama’t natalo ay labis na sinusuportahan ng mga residente roon.
Sa ngayon, iniimbestigahan na ng Masbate PPO sa insidente kung saan, sinisilip na nila ang kuha ng CCTV mula sa resort upang agad na matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.