Pinaalalahanan ng tourism office ang mga resort owners at iba pang stakeholders sa Antique na pairalin ang health at safety standards sa muling pagbubukas ng industriya sa lalawigan.
Ginawa ni Antique Provincial Tourism Office o APTO head Juan Carlos Perlas ang pahayag sa gitna na rin ng mas pinaluwag na lockdown sa probinsya.
Giit ni Perlas, mahalagang panatilihin pa rin ang ligtas na physical distancing, gayundin ang tuloy-tuloy na sanitation at disinfection sa mga establisimyento.
Batay sa datos ng APTO, tinatayang 210 tourism facilities ang pansamantalang nagsara mula nang ipatupad ang community quarantine sa Antique noong Marso 16.