Posibleng payagan nang makapag-operate muli ng PAGCOR o Philipine Gaming and Amusement Corporation ang Resorts World Manila.
Kasunod ito ng pag-suspinde ng PAGCOR sa casino license ng RWM matapos ang naging nanununog at pag-atake dito ng armadong lalaki.
Ayon kay PAGCOR Chair Andrea Domingo, inihayag sa kanya ni RWM President Kingson Sian ang pagnanais na muling buksan ang gaming operations nito.
Aniya, pinayuhan niya ang pamunuan ng RWM na i-formalize nito ang request at kinakailangan din na siguruhin nito ang kaligtasan at seguridad sa naturang establisyemento.
Bukas aniya ang PAGCOR na pagbigyan hirit na muling buksan ang casino operation bilang konsiderasyon sa higit animnalibong (6,000) mga empleyado nito, naging investment ng kumpanya at kita ng gobyerno mula rito.
By Rianne Briones
Resorts World casino posibleng payagang muling mag-operate was last modified: June 23rd, 2017 by DWIZ 882