Pagaganahin ng Department of Agriculture (DA) ang resources nito para matulungan ang local government units (LGUs) na matugunan ang problema sa African Swine Fever sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay Agriculture Secretary Wiliam Dar, batid nilang limitado lamang ang quick response fund ng LGUs para sa ASF lalo’t nagamit na ito para tugunan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Kasabay nito, tiwala si Dar na maipapalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P461-milyong pondo bilang ayuda sa mga apektadong hog raisers.
Una nang idineklara ng Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity dahil sa ASF at ito ay tatagal ng isang taon maliban na lamang kung i-lift o i-extend.