Hinimok ni Senador Christopher Bong Go ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na i-maximize ang kanilang public resources para masuportahan ang healthcare at sports development programs.
Ayon kay Senator Go, alinsunod sa Republic Act no. 6847 o ang Philippine Sports Commission Law, mandato ng PAGCOR na i-remit ang five percent ng kita nito sa National Sports Development Fund.
Kasabay nito, pinuri ng mambabatas ang PAGCOR sa kanilang commitment at mahalagang kontribusyon sa covid-19 response.
Pinasalamatan din ni Go ang PCSO sa pagsuporta sa Malasakit Center Program.
Hiniling din ng mambabatas sa mga opisyal ng PCSO na tiyaking naipagpapatuloy ang pagbibigay tulong sa publiko sa pamamagitan ng malasakit center. – sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)