Iginiit ng Commission on Higher Education (CHED) na dapat irespeto ng bawat institusyon ang desisyon ng mga unibersidad at kolehiyo hinggil sa academic freedom.
Sinabi ni CHED Chairman J. Prospero De Vera III, na kaugnay ito sa pagtatanggal ng mga libro na mula umano sa mga Communist Terrorist Group sa ilang library ng mga unibersidad kabilang ang Kalinga State University, Isabela State University at Aklan State University kung saan nasa kamay na ng National Task Force To End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang mga nasabing libro.
Aniya, desisyon ng bawat institusyon na alisin ang mga libro na galing sa naturang grupo na idineklara ng gobyerno.—sa panulat ni Airiam Sancho