Nangako si Russian President Vladimir Putin na hahanapin at mananagot sa batas ang mga responsable sa pagpapasabog sa Russian Airliner sa Egypt.
Palalakasin pa ng Russia ang mga air strikes nito kontra sa mga militants sa Syria, matapos kumpirmahin ng kremlin na bomba nga ang nagpabagsak sa Russian Airliner na kumitil 224 na pasahero nito noong isang buwan.
Ipinag-utos na ni Putin sa Russian Navy sa Eastern Mediterranean na i-coordinate ang mga aksyon nito sa karagatan at himpapawid sa French Navy, matapos gumamit ng mga long-range bombers at cruise missiles sa Syria ng Kremlin at ianunsyo na palalawigin pa nito sa 37 ang mga strike force plane.
By Mariboy Ysibido