Nais ng mga lokal na pamahalaan ng Panay at Guimaras na pagbayarin ng danyos ang mga matutukoy na responsable sa malawakang blackout sa lugar.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy, iniulat ni Iloilo City Mayor Gerry Trenas na umabot sa ₱2-B ang lugi sa ekonomiya ng lugar dahil sa blackout.
Hiling ni Mayor Trenas sa mga senador, hanapin ang mga nasa likod ng pagkawala ng kuryente sa lugar, at pagbayarin ang mga ito ng danyos.
Nais naman ni Guimaras Governor Joaquin Carlos Roman na resolbahin na ang power crisis sa kanilang lugar, dahil maaari itong magpaulit-ulit. - sa panulat ni Charles Laureta mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)