Sinusubukang takasan ni PhilHealth president at chief executive officer Ricardo Morales ang responsibilidad na sugpuin ang umano’y corruption sa ahensya.
Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque bunsod ng aniya’y pag-iwas ni Morales sa mga mapaminsalang isyu na bumabalot sa Philhealth.
Ginawa ni Roque ang pahayag matapos siyang hamunin ni Morales na kasuhan ang mga tiwaling PhilHealth officials kung may nakikita itong sapat na ebidensya laban sa mga ito.
Giit ni Roque, hindi na kailangang hintayin ni Morales na umakto ang korte sa usapin dahil may kapangyarihan naman itong magsuspinde o magtanggal ng sinumang opisyal o personnel ng state corporation.