Sinimulan na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang restoration work sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Agaton.
Kabilang sa mga inayos ang apat na steel towers, na components ng Ormoc-Maasin 138-k-v line, na matatagpuan sa Baybay sa Leyte na nasira ng landslide.
Aabot naman sa 13 grupo at isang-daang line personnel ang idineploy upang ayusin ang mga nasirang linya.
Maliban dito, inaasahang maglalagay din ng emergency restoration systems o ers ang NGCP sa probinsya ng Bohol. – sa panulat ni Abby Malanday