Niluwagan na ng interagency task force na nakatutok sa rehabilitasyon ng Boracay, Aklan ang restrictions sa media coverage ng anim na buwang shutdown ng isla.
Ayon kay Tourism Assistant Secretary Frederick Alegre, malaki ang tiwala nila sa mga mamamahayag kaya’t pinapayagan na nila ang mga ito na gumala at mag-cover ng bawat pangyayari sa Boracay nang walang paghihigpit.
Magugunitang nagtakda ang Department of Tourism ng schedule para sa mga mamamahayag na mag-ko-cover sa isla mula alas 8:00 ng umaga hanggang ala 5:00 ng hapon.
Gayunman, umalma ang mga mamamahayag dahil tila isang uri ng paghihigpit ang ipinatupad ng D.O.T. na maaaring maka-apekto sa news gathering at reporting.