Tinanggal na ng Department of Foreign Affairs ang ipinataw na restriction sa mga japanese food imports kasunod ng 2011 Fukushima nuclear disaster kasunod ng mababang panganib ng radioactive contamination.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., tinanggal na ang pangangailangan na magkaroon ng radiation test result para sa ilang klase ng seafood at agricultural products mula sa fukushima at karating lugar nito.
Aniya, magiging daan ito upang matikman ng mga Pilipino ang mga masasarap at ligtas na japanese food.
Isa lamang ito sa napagkasunduan ng paguusap ni Locsin at Japanese counterpart nitong si Toshimitsu Moteg dito sa bansa.
Nagkasundo rin ang dalawang bansa na paigtingin ang security operation sa pinag aagawang teritoroyo sa South China Sea at pagpapautang ng 40 million dollars ng Japan sa Pilipinas para sa kumounihin ang ilang pangunahing tulay sa bansa.