Muling naghigpit ng restrisyon sa mga border control point ang Marinduque lgus bunsod narin ng tumataas na bilang ng mga tinatamaan ng nakakahawang sakit.
Ayon kay Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr., nasa ilalim ng alert level 3 ang kanilang lalawigan kayat kinailangang paigtingin ang pagpapatupad ng health and safety protocols.
Nabatid na umabot sa mahigit walumpung pasyente ang nagpositibo sa ikinasang RT-PCR test habang nasa 160 naman ang nagpositibo sa antigen test sa lalawigan.
Sinabi ni Velasco, kanilang ire-require sa mga hindi bakunado at non-authorized persons outside residence ang resulta ng RT-PCR o antigen test upang masigurong ligtas ang bawat residente.
Sa ngayon, pansamantala ding isinuspinde ang pagpasok ng mga dayuhan sa nasabing lalawigan.—sa panulat ni Angelica Doctolero