Tatalakayin ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga ipatutupad na restriksyon sa mga manlalakbay na magmumula sa mga bansang nakapagtala na ng bagong strain ng COVID-19.
Ayon sa Department of Health (DOH), gaganapin ito sa pulong ng IATF sa Disyermbre 28.
Anila, maglalatag din sila ng mga rekomendasyon mula sa mga medical experts kabilang na ang posibleng pag-ban sa mga travelers na galing ng mga bansang may bagong strain ng coronavirus.
Kamakailan lamang nadiskubre ang bagong strain ng coronavirus sa United Kingdom na napaulat na ring umabot sa Hong Kong, Singapore at Australia.
Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na mas mabilis makapanghawa o kumalat ang bagong strain pero wala pang pag-aaral kung nagdudulot ito ng mas malalang COVID-19.