Inilabas na ng Philippine Statistics Authority ang resulta ng kanilang 2014 occupational wages survey.
Sa naturang survey, nanguna ang air transport, at architecture at engineering sa inilabas na top 10 highest-paying jobs sa bansa.
Pumapalo sa ₱ 156,823 ang buwanang sweldo ng aircraft pilot, navigator at flight engineer. Sumunod dito ang engineering geologists na sweldong aabot sa ₱ 101,471.
Pasok din sa top 10 highest-paying jobs ang mga trabaho sa animated film at cartoon production; produksyon ng petroleum products, pagmimina ng metal ores, insurance, reinsurance, pension funding; telecommunications; at industrial machinery mechanics.
Dahil dito, pinapayuhan ni Labor secretary Silvestre Bello III ang mga jobseeker na alamin ang tamang labor market information sa bawat trabaho upang magabayan sa tatahaking propesyon.
By Meann Tanbio