Nakatakdang ilabas sa Mayo 3, 2019 ng Korte Suprema ang resulta ng 2018 bar examinations.
Batay sa tala na inilabas ng Office of the Bar Confidant, mula sa walong libo isandaan limampu’t walo (8, 158) na bilang ng mga bar candidates noong 2018, tatlo lang ang bigong matapos ang apat na linggong pagsusulit noong Nobyembre.
Dahil dito, naitala ang pinakamataas na bilang ng mga kumuha at natapos ang bar exams sa mga nakalipas na taon.
Samantala nakatakda namang magretiro sa Hulyo 29 ang 2018 bar chairperson na si Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo.
—-