Inaantabayanan na ang resulta ng 2018 bar examination ngayong araw, Mayo 3.
Ayon sa Public Information Office (PIO) ng Supreme Court (SC), magsasagawa ng special en banc session ang mga mahistrado ng kataas-taasang hukuman ngayong araw kung saan kanilang tatalakayin at aaprubahan ang resulta ng bar examination.
Kaugnay nito, nakahanda na ang ground ng Korte Suprema na nilagyan na ng isang malaking led monitor at projector kung saan ipakikita ang pangalan ng mga nakapas sa pagsusulit.
May mga inilagay na ring steel barriers sa bakuran ng Korte Suprema para sa maayos na pagpasok ng mga mag-aabang sa Bar exam result.
Maliban dito, nagtalaga na ng mga security personnel ang Korte Suprema bilang bahagi ng inilatag nilang seguridad habang nakaantabay na rin ang mga pulis sa bahagi ng Padre Faura.
Sa tala ng Supreme Court-PIO, aabot sa 8,155 ang mga kumuha ng pagsusulit sa abogasya.