Naglabas na ang Professional Regulation Commission (PRC) ng listahan ng mga nakapasa sa 2022 licensure examination for fisheries professionals.
Ayon sa PRC, nasa 716 ang nakapasa mula sa 1,966 na kumuha ng naturang pagsusulit.
Nanguna si Jean Margaret Gelladuga Badong ng Iloilo State College of fisheries-main campus at John Rey Fortu Rasgo ng University of the Philippines-Visayas sa Iloilo City sa listahan ng mga top-notchers sa naturang board exam na kapwa sila nakakuha ng 86.25%.
Sinundan naman ito ni Rove Mae Malupay Doogho ng Davao del Norte State College sa average score na 86%.
Nakatakda namang isagawa ang online ng pagpaparehistro sa pagbibigay ng professional identification card at Certificate of Registration mula November 7 hanggang 8.