Tanging sa ulo lamang ang mayruong tama ng bala ng baril ang gunman na si Jessie Carlos na siyang umatake sa Resorts World Manila nuong isang lingo.
Ito ang kinumpirma ni PNP Crime Lab Director C/Supt. Aurelio Trampe kasunod ng isinagawa nilang autopsy sa labi ni Carlos.
Ayon kay Trampe, pumasok ang bala sa pagitan ng leeg at baba ni Carlos na tumagos sa kaniyang bunbunan ngunit wala naman itong tama ng bala sa hita taliwas sa unang pahayag ng pamunuan ng hotel – casino.
Posible aniyang dulot ng pagod ang paika-ikang pag-akyat ni Carlos sa hagdan na nakunan ng CCTV habang ang nakitang dugo naman sa mukha nito ay posibleng daplis naman ng bala.
Sa huli, nilinaw din ni Trampe na batay sa kanilang imbestigasyon na hindi sinunog ni Carlos ang kaniyang sarili kung hindi ang kuwartong kaniyang pinasok bago siya nagbaril sa ulo.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal