Tadtad ng tama ng bala sa ulo at katawan ang dalawang napatay sa pamamaril sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City noong isang linggo.
Batay ito sa resulta ng autopsy report na isinagawa ng crime lab ng Eastern Police District.
Ayon kay Supt. Isidro Carino, hepe ng crime lab ng EPD, nagtamo ng multiple gunshot wounds ang ulo at lower extremities nina Jonalyn Ambaan at Jomar Hayawon.
Nakita din sa autopsy report na binaril ng malapitan sa kaliwang tenga si Ambaan na posibleng dahilan kung bakit ito nagpositibo sa paraffin test.
Sa ngayon, tinatapos pa ng crime lab ng EPD ang ballistic at trajectory report para malaman kung kaninong bala ang tumama sa mga biktima.
Mga pulis sa Mandaluyong shootout, walang criminal intent ayon sa imbestigasyon ng PNP
Idinepensa ng PNP o Philippine National Police kung bakit homicide at hindi murder ang isinampang kaso laban sa mga pulis na sangkot sa nangyaring shootout sa Mandaluyong City.
Ayon kay Senior Superintendent Florendo Quibuyen, hepe ng Special Investigation Task Group-Shaw, lumabas sa kanilang imbestigasyon na walang nakitang criminal intent sa panig ng mga pulis na dawit sa nasabing insidente.
Paliwanag ni Quibuyen, ginawa lamang ng mga pulis ang kanilang trabaho na rumesponde sa krimen.
Lumabas din aniya sa imbestigasyon na pinaniwala lamang ang mga pulis na armado ang mga sakay ng auv kaya pinagtulungan nila itong paputukan .
Samantala, nasa restrictive custody na ang team leader ng police unit na sangkot sa shootout na si Senior Inspector Maria Christina Vasquez na sumuko matapos ang halos isang linggong pagtatago.