Tinawag na “unfair” ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang inilabas na resulta ng COVID-19 resiliency ng Bloomberg kung saan muling nangulelat ang Pilipinas.
Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, naging “biased” sa Western Countries ang nasabing pag-aaral kaya naman ay wala talagang naging laban ang Pilipinas sa mga ito lalo’t kakasimula pa lang ng universal healthcare sa bansa.
Giit pa ni Malaya hindi porket nahuli tayo sa kanilang listahan ay panghuli na tayo sa buong mundo, dahil ang sakop lamang ng kanilang pag-aaral ay limamput tatlong bansa.
Dalawang buwang sunod na nahuhuli o nasa ika limamput tatlong pwesto ang Pilipinas sa COVID-19 resiliency ranking ng Bloomberg.