Posibleng ilabas na ang resulta ng DNA test ni Senador Grace Poe sa susunod na linggo.
Ayon kay Atty. George Garcia, legal counsel ni Poe, umaasa silang ilalabas ang DNA result bago ang filing ng certificate of candidacy sa October 12.
Matatandaang sumailalim sa DNA testing si Poe para patunayan na ang kanyang biological parents ay mga dugong Pinoy.
Si Poe ay nahaharap sa disqualification case sa Senate Electoral Tribunal o SET kasunod ng inihaing reklamo ng natalong senatorial candidate na si Rizalito David.
By: Meann Tanbio