Inilabas ng tanggapan ni presidential aspirant at Senator Manny Pacquiao ang resulta ng kanyang drug test na isinagawa sa U.S. bago ang huling laban niya sa boxing noong Setyembre.
Nakasaad na negatibo si Pacquiao sa performance enhancing drugs batay sa sertipikasyon ng voluntary anti-doping association na may petsang July 28, 2021 at September 8, 2021.
Saklaw ng test ang mahabang listahan ng performance enhancing drugs tulad ng steroids at stimulants na cocaine at metamphetamine na ipinagbabawal ng World Boxing Council.
Bago lumabas sa international competition ang mga atleta, kailangang mag-negatibo sa anti-doping test na isinasagawa bago ang laban.
Naka-schedule naman si Pacman sa hair follicle test na isa ring uri ng drug test subalit gusto niya itong gawin sa isang laboratoryo na mabilis makapag-lalabas ng resulta.