Iginiit ni Solicitor General Menardo Guevarra na International Criminal Court ang dapat magsumite ng resulta ng imbestigasyon nito kaugnay sa drug war campaign ng nakaraang administrasyon sa Philippine authorities para talakayin ang kaso.
Ayon kay SolGen. Guevarra, hindi pa tumutugon ang Pilipinas sa hiling na pakikipagtulungan ng ICC sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi na obligado ang bansa na makipag-ugnayan sa international tribunal matapos kumalas sa pagiging miyembro nito.
Nanindigan ang opisyal na hindi nito tutulungan ang ICC dahil may sariling imbestigasyon ang Pilipinas.
Iniimbestigahan ng ICC ang posibleng human rights violations sa ilalim ng war on drugs campaign ng Duterte administration, kung saan libu-libo ang sinasabing napatay ng mga pulis at mga hindi pa nakikilang suspek. – Sa panulat ni Laica Cuevas