Inaantabayan ng Department of Health o DOH ang resulta ng evaluation ng mga eksperto mula sa University of the Philippines-Philippine General Hospital hinggil sa pagkamatay ng labing-apat na bata na pawang naturukan ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.
Pahayag ni DOH Sec. Francisco Duque III, inaasahang sa loob ng linggong ito isasapubliko ng expert panel ang resulta ng isinagawa nilang pag-aaral.
Samantala, sa naging pagsusuri naman ng Public Attorney’s Office sa labi ng tatlong bata, lumalabas aniya na nasawi ang mga ito dahil sa Dengue Shock Syndrome.