Kinumpirma ng Malakaniyang na may hawak na silang kopya ng naging resulta ng ginawang pananaliksik ng China sa Benham o mas kilala bilang Philippine Rise.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi dapat paniwalaan ang ipinagkakalat ng mga kritiko na hindi transparent ang gubyerno sa mga nakalap na datos hinggil sa isinagawang exploration.
Nasunod naman aniya ang lahat ng mga guidelines ng binuong inter-agency hinggil sa pagsama ng mga Pilipino sa research team ng mga dayuhan para kunin ang resulta ng ginawang pag-aaral.
Dagdag pa ni Roque, wala rin aniyang ibinibigay na impormasyon ang Palasyo kung ano ang nilalaman ng mga naging pag-aaral ng China at Pilipinas sa bahaging iyon ng karagatan.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio