Kinuwesyon ng Malakaniyang ang batayan ng lumabas na Global Peace Index Report kung saan, lumalabas na pangalawa ang Pilipinas sa mga pinaka-magulo sa rehiyon ng Asya Pasipiko.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, taliwas aniya ito sa pananaw ng mga Pilipino lalo na kung ang war on drugs ng Administrasyong Duterte aniya ang pagbabatayan.
Mayorya naman aniya sa mga Pilipino ang masaya at kuntento sa ginagawa ng administrasyon sa aspeto ng paglaban sa krimen na umabot sa 62 percent habang 64 percent naman ang pabor sa kampaniya kontra terorismo.
Maliban dito, sinabi ni Abella na lumabas din sa mga pag-aaral na mas ramdam ngayon ng mayorya ng mga Pilipino na sila’y ligtas kahit inaabot ng gabi sa lansangan.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping