Posibleng abutin pa ng apat na araw bago mailabas ng Commission on Elections (Comelec) ang resulta ng ikalawang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ayon kay Director James Jimenez, Spokesman ng Comelec, agad ililipad sa head office ng komisyon sa Intramuros Manila ang election returns ng North Cotabato.
Samantala, magkakaroon naman muna aniya ng canvassing sa bayan ng Tubud para sa mga boto ng Lanao del Norte bago dalhin ang resulta sa kanilang head office para sa national canvassing.
Sa ikalawang plebisito, tinanong ang mga residente ng Lanao del Norte maliban sa Iligan City, kung nais nilang mapasama sa masasakupan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Samantala, animnapu’t pitong (67) barangay naman mula pitong bayan sa North Cotabato ang kalahok sa plebisito.
—-