Inilabas na ng PNP-AIDG o Anti-Illegal Drugs Group ang resulta ng kanilang imbestigasyon hinggil sa pagdukot at pagpatay sa koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.
Batay sa investigation report, tatlong operasyon ang nakakasa sa PNP AIDG noong linggo kung kailan nadukot at napatay si Jee.
Una rito ang pagsalakay sa isang mega Shabu lab sa Cauayan Isabela; ang pagtungo ng mga opisyal ng AIDG sa Abu Dhabi para sunduin ang naarestong drug lord na si Kerwin Espinosa at panghuli, ang follow up operation sa nadiskubreng Mega Shabu Lab sa Subic Zambales kung saan standby group ang grupo ni Psupt. Rafael Dumlao na kinabibilangan ni Sta Isabel
Pero natigil pansamantala ang nasabing operasyon dahil sa bagyong Lawin.
Lumalabas na dito na sumalisi sina Dumlao at Sta. Isabel para ikasa ang operasyon laban sa nasabing Korean national.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal