Ipadadala sa Roma ang magiging resulta ng imbestigasyon kaugnay sa kaso ng pagkakahuli kay Father Arnel Lagarejos kasama ang isang menor de edad sa Marikina City.
Ayon kay Archbishop Emeritus Oscar Cruz, kapag nakuha na nila ang testimonya ng testigo at nasuri na ang mga dokumento ay ipadadala nila ito sa Roma dahil sila ang magde-desisyon kung ano gagawin sa pari.
Ani Cruz, nasimulan na nila ang kanilang imbestigasyon sa kaso noong nakaraang linggo ngunit marami pang hakbang na kailangang gawin.
Dagdag pa ni Cruz, tanging paghahanda, pag – alam sa kaso at dokumentasyon lang ang gagawin dito sa bansa at ang desisyon ay nakasalalay na sa Vatican City.