Idinetalye sa Kongreso ang resulta ng imbestigasyon ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa pagpapaputok ng flare ng China sa mga dumaraang eroplano ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Batay sa mga larawang ipinakita ni Major Gen. Reuben Basiao ng AFP, anim na beses nagpakawala ng warning flares ang China mula sa inookupahan nilang artificial islands .
Bagamat hindi maituturing na sandata ang flare, maaari rin umano itong makapaminsala kung direktang tatama sa eroplano.
Samantala, pinuna rin ni Basiao sa kanyang report sa Kongreso ang pagdami ng mga barko ng China sa karagatan ng Pilipinas.
“The source on issued flare warnings against Philippine Aircrafts covering these areas, are from January to June 2019, there have been 6 flare warnings against Philippine maritime patrols have been noticed of significance is the presence of severing Chinese research vessels within Philippine waters from January to June of 2019, and China has also been deploying assets to hinder Filipino operations both patrols and rotations and deep provisions in the West Philippine Sea,” ani Basiao.